5 araw na vaccination program para sa seafarers, ilulunsad ng MARINA simula bukas

Simula bukas hanggang Biyernes ilulunsad ng Maritime Industry Authority ang vaccination program para sa mga seafarers.

Ang pagbakuna sa mga marino ay gagawin sa Villar Sipag Center sa Las PiƱas City sa buong maghapon.

Sa abiso ng MARINA, bukas ang vaccination para sa mga hindi pa nakapag-first dose, second dose at booster dose.

Papayagan na rin ang walk-ins para makakuha ng COVID-19 vaccine.

Kailangan lamang ng mga seafarers na magparehistro sa MARINA COVAC Portal para maisama sa schedule na mabakumahan sa nasabing mga araw.