4th Infantry Division, may bagong commander 

Si Brig. Gen. Franco Nemecio Gacal ang bagong Commander ng 4th Infantry “Diamond” Division ng Philippine Army.

Pinalitan ni Brig. Gen. Galcal si Maj. Gen. Ronald Villanueva sa isinagawang Change of Command Ceremony na pinangunahan ni Phililippine Army Commanding General Macairog Alberto sa Camp Edilberto Evangelista, Patag Cagayan de Oro, noong Martes.

Si Brig. Gen. Gacal ay miyembro ng Philippine Military Academy “Maringal” Class of 1988.

Bago ang kanyang bagong katungkulan, si Brig. Gen. Gacal ang commander ng 402nd Infantry “Stinger” Brigade mula 2016.

Ang 4 ID ang pangunahing responsable sa seguridad ng Eastern Mindanao, CARAGA at bahagi ng Region 10.

Sa nakalipas na tatlong taon, matagumpay na nutralisa ng 4ID ang 1,101 Communist NPA terrorists (CNTs), narekober ang 966 firearms, at na-clear ang 264 barangays sa impluwensya ng CPP/NPA.   | ulat ni Leo Sarne