49 na taon ng NPA, wala ng saysay — DND Sec. Lorenzana

Wala nang saysay ang 49 na taong pakikipaglaban ng NPA sa pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa nalalapit na pagsapit ng ika-49 na anibersaryo ng NPA sa Marso 29.

Kasabay nito, muling nanawagan si Lorenzana sa mga NPA na ibaba na ang kanilang mga armas at makipagtulungan na sa pamahalaan sa pagsulong ng kapayapaan.

Payo ni Lorenzana sa NPA na pag-isipang mabuti na kung sa 49 na taon na wala silang panalo sa gobyerno, sa palagay ba nila ay mananalo pa sila sa susunod na 50 taon?

Samantala, tiniyak naman ni AFP Spokesperson BGen Bienvenido Datuin na naka-alerto ang AFP sa anumang posibleng binabalak ng NPA sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Naging tradisyon na kasi ng NPA na maglunsad ng pag-atake at panggugulo sa kanilang anibersaryo na sinasabayan din ng kilos protesta ng mga makakaliwang grupo. | via Leo Sarne