447 bagong SAF Commando, nagtapos

Mismong si Special Action Force (SAF) Director Police Major General Amando Clifton Empiso ang nanguna sa graduation ceremony ng 447 bagong Special Action Force Commando ng pambansang pulisya.

Ginawa ang seremonya sa Police Regional Office 5 sa Lungsod ng Legazpi.   Panauhing pandangal sa okasyon si Bicol PNP Regional Director Atty. Arnel Escobal.

Ginawa din ngayong hapon ang paglagay ng 9th Special Action Battalion ng SAF.  Ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang problema sa insurhensiya, terorismo at kriminalidad sa bansa.

Sa Bicol din ginawa ang test mission ng nagtapos na SAF Commando.

Karamihan sa bagong nagtapos na SAF Commando ay itatalaga sa Bicol at Samar area.  Binubuo ang mga ito ng Commando 81, 82, 83 at 84 groups.  Simula pa lamang ito ng kanilang training.   Maraming training pa silang pagdadaanan.

Sinabi ni Empiso, ang SAF battalion base headquarter ay ilalagay sa Albay sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

Ang special mission ng isang SAF officer ay laban sa insurhensiya, terorismo at ibang uri ng kriminalidad bilang karagdagan sa kapulisan na nakatalaga na sa lugar.