4 na sabungero, huli sa pagpasimuno ng sabong sa isang barangay sa Sulop, Davao del Sur 

Huli ng mga tauhan ng Sulop Municipal Police station at Criminal Investigation and Detection Group (DSPFU) sa probinsiya ng Davao del Sur ang apat katao na nagpasimuno ng sabong noong Biyernes Santo sa Barangay Litos bayan ng Sulop sa nasabing probinsya.

Kinilala ang mga nahuli na sina Brian Jims Lecera, 19 years old, single, residente ng Pocaleel, Kiblawan, Davao del Sur;  Allan Omboy, 42 years old, laborer, residente ng P-3 Brgy Poblacion, Sulop, Davao del Sur; Jenneffer Endrina, 30 years old, laborer at residente ng P-6 Brgy. Litos, Sulop, Davao del Sur; at Benito Montejo, 74 years old, residente ng P-1 Brgy. Osmeña, Sulop, Davao del Sur.

Sinubukan pang tumakas ng mga salarin subalit naabutan ito ng mga kapulisan at agad hinuli.

Nakuha mula sa apat ang 18 manok pansabong, siyam na bihag at tatlong kulungan ng mga manok.

Nakatakda namang kasuhan ang mga nahuling sabungero sa paglabag sa Cockfighting Law o (PD 449) at RA 11332 o an Act on Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern.

Patuloy naman na nagpapaalala ang kapulisan ng Sulop Davao del Sur sa mga residente nito na iwasan ang pagsusugal at pagkumpul-kumpol dahil ipinagbabawal ito ngayong panahon ng krisis sa coronavirus disease o COVID-19.

Photos from Sulop Police Station