375 CTTMO personnel, idi-deploy sa Kadayawan Festival

Davao City–Magdi-deploy ang City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) ng aabot sa 375 na personnel sa 33rd Kadayawan Festival sa Davao.

Ayon kay CTTMO Chief retired Senior Supt. Dionisio Abude, kabilang na rito ang engineering personnel at mga maghahakot sa mga railing na gagamitin sa kinilalang festival of all festivals.

Dagdag pa ng opisyal, tinatayang 20 intersection ang pansamantalang isasara para sa Indak-Indak at Pamulak sa Kadayawan.

Nilinaw naman nito na hindi muna ipatutupad ang jaywalking ordinance sa mga lugar kung saan isasagawa ang malalaking aktibidad.

Ngunit pakiusap nito sa publiko na mag-ingat upang hindi mahaluan ng kaba at problema ang pakikisaya sa kapistahan lalo na ang mga turista at bisita sa Kadayawan Festival. | ulat ni Shiela Lisondra – DXRP Radyo Pilipinas Davao

Photo courtesy: City Gov’t of Davao FB page