3,736 Sinovac vaccine, dumating na sa General Santos City

Dumating na ang 3,736 vials ng Sinovac vaccine, sa COVID-19 Vaccine Command Center, Lagao Gym sa General Santos City.

Galing sa Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD) XII ang naturang mga bakuna, na ibibigay sa mga natitirang A1.1-A1.7 priority groups at senior citizens sa Lungsod ng General Santos.

Sa kararating na 3,736 vials ng Sinovac vaccine, nasa 1,400 vials ang inilaan para sa mga natitirang A1.1-A1.7 priority groups.

Nasa 48 vials naman para sa second dose ng mga Pilgrim, 1,208 vials para sa second dose ng mga first batch na senior citizens, at 1,080 vials naman para sa first dose ng mga second batch na senior citizens.