PNP Chief, unang pasahero ng bagong helicopter ng PNP

Si Philippine National Police (PNP) chief Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang unang pasahero ng bagong biling helicopter ng PNP.

Ang Bell 429 helicopter na sinakyan ni PNP chief ngayong araw patungong Baguio ang unang dumating sa 3 Bell choppers na binili ng PNP.

Ang 3 bagong Bell 429 helicopters ay binili ng PNP sa halagang 435 milyon, at ang una ay dumating ng 2 months ahead of schedule.

Ayon kay The Deputy Chief of Staff Police Deputy Director Archie Gamboa, kasama sa package ang dalawang linggong pagsasanay sa mga piloto ng PNP sa Amerika.

Dahil aniya sa kulang pa sa required flying hours sa BELL 429 ang pilot ng PNP, piloto muna ng BELL ang nagpalipad sa flight ni PNP chief patungong Baguio ngayong araw.

Pinangunahan ni PNP Chief ang blessing ng bagong helicopter sa PNP grandstand ngayong umaga bago lumipad patungong Baguio, para sa testimonial na ipagkakaloob ng PMA sa kanya ngayong hapon. | via Leo Sarne