Kampanya para sa Constitutional Reform, muling inilunsad ng DILG

Muling inilunsad ng Department of the Interior and Local Government ang pinakabago nitong kampanya na nagsusulong sa pagbabago sa Konstitusyon na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang bagong campaign na tatawaging Constitutional Reform o CORE ay alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na susugan ang ilang probisyon na tatapos na sa korapsyon at magpapasigla sa ekonomiya.

Sinabi pa ni Malaya, na mismong si Committee Chair Representative Rufus Rodriguez ang humiling ng amendments.

Kabilang sa CORE amendments ay ang pagpapahintulot sa Local Government Units na ma-source out ang Internal Revenue Allotment mula sa national taxes at hindi sa nakokolekta ng Bureau of Internal Revenue.