PDEA, binuweltahan si former Sec. Santiago na walang ginawa sa problema ng ‘ninja cops’ noong siya pa ang pinuno ng PDEA

Binuweltahan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino si former Secretary Dionisio Santiago na walang ginawa sa problema ng ‘ninja cops’ noong siya pa ang pinuno ng PDEA.

Patutsada ito ni Aquino sa pahayag ni Santiago na dapat na siyang magbitiw sa pwesto kaugnay ng kontrobersyal na isyu ng ‘ninja cops’.

Tinatanong ni Aquino si Santiago kung ano ang nagawa nito sa problema ng ‘ninja cops’ noong panahon na siya pa ang pinuno ng PDEA.

Sa kanyang panig, sinabi ni Aquino na nagsagawa siya ng case surveillance sa diumano’y shabu queen at saka niya nalaman ang pagkakakilanlan ng mga ‘ninja cops’, na nabigo namang gawin ni Santiago sa loob ng apat na taon niyang panunungkulan bilang PDEA director general.

Kaugnay nito, pinayuhan na lamang ni Aquino si Santiago na mag-enjoy na lamang sa kanyang pribadong pamumuhay at manahimik na lang.