300,000 hanggang 400,000 jabs kada araw, tinatarget na makamit ng pamahalaan

Umaasa si Chief Implementer at Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaabot na ng pamahalaan ang makapagbakuna ng hindi bababa sa 300 libong indibidwal sa kada araw simula sa susunod na linggo.

Ang target ay kabilang sa inilahad ni Galvez kay Pangulong Duterte bilang isa sa mga direksiyong tatahakin ng National Task Force against COVID 19 para sa buwang ito.

Ang target na hindi bababa sa 300 libong mabakunahan kada araw ay kasabay na rin ng inaasahang pagdating ng 14 to 16 million doses ng bakuna ngayong July.

Dagdag ni Galvez na kasama rin sa target accomplishment nila ngayong Hulyo ay mabakunahan ay matanggap na ng 7 milyong indibidwal ang kanilang 2nd dose.

Pipilitin din aniya ng gobyerno na maiturok ang 10 milyong doses ng bakuna para sa mga kababayan nating nasa priority list na ngayon ay nasa humigit kumulang 31 percent.