30% reduction ng mortality rate ng mga kaso ng cervical cancer, target ng health workers hanggang 2030

Pursigido ang iba’t ibang health organizations na maibaba ng 30% ang bilang ng mga namamatay dahil sa cervical cancer.

Ito ang naging sentro ng ika-10 Human Popillomavirus Summit na planong magkaroon ng cervical cancer-free ang Pilipinas ng hanggang taong 2030.

Ang naturang online summit ay pinangunahan ng Cervical Cancer Prevention Network of the Philippines (CECAP) sa pakikipagtulungan ng Asia & Oceania Federation of Obstetrics and Gynaecology (AOFOG), Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) at Department of Health (DOH) kung saan tinalakay kung ano mga dapat gawin sakaling mapagtagumpayan ang vision ng DOH para sa isang cervical cancer-free Philippines 2040.

Tinalakay nina Cecilia Llave Chairman ng CECAP at Dr. Ingrid Magnata, Country Manager ng Jhpiego ang mga dapat gawin tungo sa isang mundo na walang cervical cancer kung saan target nilang mas mababa sa four cases ng cervical cancer per 100,000 women sa 2030 o 30 percent reduction ng mortality.

Kabilang sa mga holistic approach na kanilang gagawin ay ang HPV vaccination, screening and treatment ng pre-invasive disease, treatment ng invasive cervical cancer, symptom management, at palliative care kung saan ang hangarin na ito ay sinuportahan ng DOH Cancer Supportive Care and Palliative Care Medicines Access Program (CSPMAP).

Ayon kay Dr. Magnata, siyam sa sampong bagong cervical cancer cases ay pawang galing sa low-to-middle-income countries kung saan limitado lamang ang kanilang access sa vaccination at screening.

Ang Human papillomavirus (HPV) ang karaniwang sanhi ng cervical cancers and pre-cancerous cervical lesions habang Genital HPV ay isang common virus na kumakalat sa pamamagitan ng skin-to-skin contact sa pakikipagtalik sexual activity na walang sintomas.

Mayroong 14 na uri ng HPV ang nadiskubreng nagiging sanhi nito tulad ng cervical cancer, vaginal at vulvar cancers, penile cancer, anal cancer, oropharyngeal cancer, and genital warts.

Sinabi ni Dr. Rosario Vergeire, Undersecretary for Public Health Services ng DOH, ang Cervical cancer ay isang vaccine-preventable and treatable forms ng cancer kung saan ito ay pangalawa sa breast cancer ng mga babae.

Tinatayang aabot 7,000 ang mga bagong kaso at lampas sa 4,000 ang namamatay sanhi ng cervical cancer na aabot sa 11 kababaihan ang namamatay kada araw.

Sinabi naman ni Prof. Kazunori Ochai, President ng Asia-Oceania Federation of Obstetrics and Gynaecology (AOFOG), ang pagbabakuna pa rin ang pinakamabisang paraan para labanan ang pagkalat ng cervical cancer sa mga babaeng may edad siyam hanggang 14 kung saan makakatulong ang regular screening para ma-detect ang pre-cancerous lesions sanhi ng HPV.

Makakatulong din daw ang pap smear o visual inspection na may acetic acid para gamutin ang pre-cancerous lesions at cervical cancer para sa single-visit approach.

Iginiit naman ni Dr. Patrick Tejano, Program Manager of the National Immunization Program ng Department NIP Program Manager ng DOH ang kahalagahan ng Maagang pagpapabakuna ng mga batang babae upang maiwasan ang cervical cancer.

Natalakay din sa summit ang kahalagahan ng ng Universal Health Care (UHC) Act at National Integrated Cancer Control Act (NICCA) na nagbibigay ng proteksyon sa mga nagkakaroon ng ganitong mga sakit at mga survivors.