3 rehiyon sa Visayas, nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang tatlong rehiyon sa Visayas.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, Head ng Epidemiology Unit ng DOH, kabilang dito ang Region 6, Region 7 at Region 8.

Nalagpasan na umano ng Visayas ang NCR Plus sa dami ng mga kaso ng sakit.

Sinabi pa ni De Guzman na may kaunting pagbagal naman sa mga kaso ang Luzon at Mindanao.

Sa NCR naman ay nagpla-plateau na o halos wala nang pagbabago ang mga kasong naitatala matapos maobserbahang napakabagal na pagbaba ng mga kaso.

Pabago-bago naman ang takbo ng mga kaso sa Plus-areas, na binubuo ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.