Sa harap ng inaasahang sibakang mangyayari ngayong linggong ito sa umano’y limang opisyal ng pamahalaan na una ng inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilang mga tauhan naman sa gobyerno ang nakatikim ng papuri mula sa punong ehekutibo.
Sa naging talumpati ng Pangulo kahapon sa isang event sa Talisay City, Negros Occidental, tatlong pangalan ang binanggit nito na pinuri sa harap ng publiko.
Isa sa tatlong mga binanggit ng Presidente si Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC
Bukod kay Del Rosario, special mention din ng chief executive si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na sa matagal na panahon ay kanya ng pinagkakatiwalaan, habang si Department of the Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge Secretary Eduardo Año ay binanggit naman ng Presidente na kanyang hinahangaan dahil sa pagiging istrikto at disiplinado.
Kung ang mga nabanggit na pangalan ay todo puri ang Pangulo, limang government officials naman ang nakalinyang sibakin anumang araw mula ngayon kabilang na ang isang nakatalaga sa Office of the Government Corporate Counsel dahil sa umano’y isyu ng korapsyon. | via Alvin Baltazar