Tatlong karagdagang eroplano galing Japan, iti-turn over sa Navy sa Lunes

Pormal na tatanggapin ng Philippine Navy sa Lunes mula sa Japan Maritime Self Defense Force ang tatlong Beechcraft TC-90 aircraft sa seremonyang isasagawa sa Headquarters Naval Air Group, Sangley Point, Cavite City.

Sasaksihan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang turnover ceremonies kasama si Japanese Ambassador to the Philippines, Mr. Koji Haneda at mga military officials ng Japan at Pilipinas.

Ang tatlong karagdagang Beechcraft TC-90 Planes ay kasama sa una ng dumating na dalawang eroplano na donasyon ng Japan sa Pilipinas.

Ang limang eroplano ay orihinal na aarkilahin lang sana ng Pilipinas, pero nagdesisyon ang Japan na ibigay na lang ito nang libre sa Pilipinas.

Kasalukuyang ginagamit ng Philippine Navy ang dalawang TC-90 aircraft na dumating noong nakaraang taon na pang-patrolya sa maritime territories ng bansa, partikular sa pinag-aagawang territorio ng West Philippine Sea. | via Leo Sarne