3 drug suspect, patay sa buy bust operation sa San Pablo, Laguna

Patay ang tatlong drug suspect matapos silang manlaban sa mga pulis sa Sitio Biuyan, Brgy. Sto. Angel, San Pablo, Laguna.

Sa ulat ng San Pablo Police na nakarating sa Camp Crame, isang buy bust operation ang ikinasa ng mga operatiba ng Laguna Provincial Police Office at San Pablo Police Station kaninang alas-5 ng umaga sa naturang lugar.

Nauwi sa pagpapalitan ng putok ang buy bust operation nang tangkaing arestuhin ng mga pulis ang mga suspek na nagresulta sa pagkakapatay sa mga ito.

Kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Reynaldo Dante at Wilbert Sardido habang unidentified pa ang pangatlo.

Narekober sa crime scene ang tatlong Cal .45 pistol, P2,000 na marked money at pitong pakete ng hinihinalang shabu na hindi pa tukoy ang halaga. | via Leo Sarne