3 barkong pandigma ng Russia, dumating kahapon para sa 5-day goodwill visit

Dumating kahapon sa Manila South Harbor ang tatlong barkong pandigma ng Russia para sa limang araw na goodwill visit sa bansa.

Ito ang unang pagbisita ng Russian Navy sa taong ito at pangpito mula 2012.

Ang Russian Navy Large Anti-Submarine Ship ADMIRAL PANTELEEV, Guided Missile Cruiser ADMIRAL VARYAG at Large Sea Tanker BORIS BOTUMA ay tatagal sa Maynila hanggang sa January 11.

Ang mga barkong ADMIRAL VARYAG at BORIS BOTUMA ay una nang bumisita sa bansa noong May 29, 2018.

Ang Russian delegation na pinangunahan ni Radm Edward Mikhailov ay pinagkalooban ng traditional welcome ceremony ni Commodore Toribio Adaci Jr, na kumatawan kay Philippin Navy Flag Officer In Command, Vice Adm. Robert A. Empedrad.

Layon ng pagbisita ang mas lalong patatagin ang ugnayan ng Philippine at Russian Navies.  | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy: Philippine Navy