3 barko ng Philippine Navy nilagyan na ng missiles

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na ng missiles ang mga barkong pandigma ng Philippine Navy.

Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Spokesperson Arsenio Andolong na idineliver na ang Israeli-made Rafael Spikeā€“ER missile system sa Philippine Navy.

Ayon sa isang senior navy official, kasalukuyang ini-install na ang Rafael Missile System sa tatlong Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Philippine Navy ng local ship builder Prompmech Corporation sa Zambales at sinusupervise ng Rafael.

Aniya, ang tatlong MPAC ang una sa mga barko ng Philippine Navy na lalagyan ng missile Defense System.

Ang 270-million peso missile System ay surface-to-surface missile na epektibo sa distansiyang limang nautical miles.

Ayon kay Andong ang mga missile-equipped MPACs ay magpapalakas sa kapabilidad ng Philippine Navy sa maritime law enforcement Operations at sa pagbabantay ng teritoryo ng Pilipinas kontra sa terrorismo. | via Leo Sarne