3 ASG, 1 sundalo patay sa bakbakan sa Sulu

Tatlong Abu Sayyaf ang napatay at hindi matukoy na bilang ng terorista ang sugatan sa engkwentro sa Sawadjaan at Minis Island sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana, isang miyembro ng Philippine Marines ang nasawi at dalawa pa ang sugatan sa naturang engkwentro.

Tinukoy ni Besana na ang Tanum Group ng ASG ang nakasagupa ng Philippine Marines.

Narekober sa operasyon ang dalawang M14 rifles sa kuta ng mga terorista.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang hot pursuit operations sa mga nalalabing terorista na tumakas matapos ang insidente.  | ulat ni Leo Sarne