3 arestado, 1 menor de edad ang narescue, sa buy-bust op sa Navotas

Timbog ang tatlong drug suspek habang narescue naman ang isang menor de edad sa ikinasang buy-bust operation ng Navotas Philippine National Police (PNP) sa Brgy. San Roque sa Navotas.

Ayon sa mga pulis, kinilala ang mga nahuling drug suspek na sina Kenno Bernardo 29, anyos
John CHristian Santos, 21 anyos at Benney Troveros, 32 anyos.

Agad na natimbog ang tatlong suspek matapos iabot ng mga ito ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Matapos ang aresto ay narekober ang limang sachet ng hinihinalang shabu.

Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, habang ititurn over naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang narescue na menor de edad.