4 na aktibidad, nakalinyang daluhan ni Pres. Duterte para sa ikatlong araw ng kanyang official visit sa China

Pabiyahe na mamayang gabi si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Guangzhou, Guangdong Province para manood at bigyang suporta ang Team Gilas na makakalaban ang koponan ng Italy sa FIBA games.

Pero bago tumulak papuntang Guangzhou, tatlong aktibidad muna ang dadaluhan ng Presidente mamayang hapon.

Ito ay ang kanyang bilateral meeting kay Chinese Premier Li Kequiang, gagawing pagharap sa courtesy call ng mga Construction Delegates, habang dadalo din ang Presidente sa Philippine -China Business Forum.

Sa Sabado ang laban ng Gilas Pilipinas kontra koponan ng Italy na dito’y inaasahang makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga manlalaro ang gagawing panonood ng Pangulo sa kanilang game.

Hindi naman tiyak kung magkakaroon ng pagkakataong makaharap muna ni Pangulong Duterte ang players ng Team Gilas bago ito sumabak sa laro.

Tutulak naman ang Presidente pabalik ng Pilipinas sa araw ng Linggo, Setyembre 1.