3 Abu Sayyaf members sumuko sa Sulu

Tatlo pang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa 6th Special Forces Battalion sa Sulu.

Ito’y kasunod ng pagsuko ng siyam na ASG members noong Hulyo 6.

Kinilala ni 6th Special Forces Battalion Commander Ltc Rafael P Ciado ang mga sumuko na sina: Wilson Kasim, 31, na tauhan ni ASG sub-leader Hairulla Asbang; alyas Rom, 40, na tauhan ni ASG sub-leader Muhandon Arok at Ekoh Udjaman; at alyas Ronimar, 22, na tauhan ni ASG sub-leader Idang Susukan.

Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang M16 rifle, M1 Garand Rifle, at Cal .45 pistols.

Pinuri naman ni 1101st Brigade Commander BGen. Antonio I Bautista Jr. ang 6th Special Forces Battalion at Municipal Task Force To End the Local Communist Armed Cobflict (TF-ELCAC) sa kanilang aktibong pang-engganyo sa mga ASG members na magbalik-loob na sa pamahalaan.