Eid’l Adha, ginugunita ng mga Muslim ngayong araw

Eksakto alas-6:45 kaninang umaga ng gawin ng mga kapatid nating Muslim ang banal na pagdarasal sa kanilang pagtitipon sa Quezon City Circle.

Ito ay bahagi ng kanilang taunang paggunita sa
Eid’L Adha o feast of sacrifice, na isang islamic festival na ginagawa ng Muslim community sa buong mundo.

Ginugunita nila ito, bilang pag-alala sa willingness o pagpayag ni Prophet Abraham na isakripisyo ang kanyang anak sa kagustuhan ng Diyos.

Bukod sa pagtitipon sa Quezon City, may ganitong aktibidad din sa Quirino grandstand sa Maynila.

Bilang pagpapahalaga sa Eid’l adha, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang regular holiday ang Agosto 12, bukas araw ng Lunes.