Ilang pamilihan sa QC, wala ng makitang NFA rice

Bagamat said na ang suplay ng NFA rice sa ilang pamilihan sa Metro Manila, sapat pa ang dami ng commercial rice na ibinibenta dito.

Sa Kamuning Market sa Quezon City, may tatlong buwan ng hindi binabagsakan ng suplay ng NFA rice pero maraming pagpipiliang variety ng commericial rice na may iba’t ibang presyo.

Ayon kay Lolita Lopez, isang rice retailer sa Kamuning market, ang pinakamababang presyo ng commercial rice ngayon ay nasa 38 piso kada kilo at 60 piso naman ang pinakamataas.

Galing ng Nueva Ecija, Isabela at Bulacan ang suplay ng bigas na kanilang ibinibenta.

Aniya sapat ang suplay na ibinabagsak sa kanila kaya lang nakukuha nila ito ng may dagdag na presyo.

Dati-rati nasa 34 piso lamang ang kada kilo ng pinakamurang commercial rice at naging 38 piso ng magsimulang magtaasan ang presyo ng bigas bago matapos ang taong 2017. | via Rey Ferrer