29 na istraktura, napinsala sa Region 11, 12,  dahil sa lindol

Umabot sa 29 na istraktura sa Region 11 at 12 ang nagkaroon ng pinsala dahil sa magnitude 6.3 na lindol.

TINGNAN | Ang pinsala sa loob ng Gaisano Mall sa Digos City pagkaraan ng 6.3 magnitude na lidol kahapon. | via Macel Dasalla | RP1 Davaowww.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, October 16, 2019

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-6 ng umaga, kabilang sa mga napinsala ang SM at Veranza malls sa General Santos City, at KCC Mall sa Koronadal City, na nagkaroon ng mga bitak sa istraktura, habang ang Gaisano Mall sa General Santos City ay bahagyang nasunog.

#LagingHanda | Nagkasunog sa Gaisano mall General Santos, matapos ang lindol kanina. | via Armando Fenequito|RP1 Davao📹 from Davao City Public Information Page

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, October 16, 2019

 

Nagtamo rin ng damage ang Municipal Hall ng Magsaysay, Davao del Sur, Sangguniang Bayan Building at Roldan Hospital sa M’lang, Cotabato, ang fire-station sa Makilala, Cotabato at ang Municipal Hospital sa Carmen, Cotabato.

TINGNAN | Mga larawan ng Magsaysay Davao del Sur Municipal Hall matapos masira ng lindol ang ilang bahagi. | via Macel DasallaPhotos : Anthony Allada, LGU Magsaysay, Davao del Sur

Posted by Radyo Pilipinas on Wednesday, October 16, 2019

Una nang iniulat ng NDRRMC, na dalawa ang namatay at 18 ang sugatan sa landslide sa Magsaysay, Davao Del Sur, habang siyam naman ang iniulat na sugatan sa Kidapawan at Makilala sa Cotabato.

Patuloy ang isinasagawang response and damage assessment ng local DRRMC offices sa mga apektadong lugar sa Region 11 and 12.