2 OTS screeners sinampahan na ng kaso

Nanindigan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na isang isolated case lang ang naiulat na pagnanakaw ng dalawang Office Transportation Security X-ray operator sa NAIA terminal 3 nang magreklamo ang isang Japanese passenger nitong Semana Santa.

Ayon kay Monreal, binawian na ng access pass at nakakulong na sa airport police headquarter ang dalawang suspek na OTS personnel na sina Stephen Bartolo at Demmie Timtim Plaza.

Ayon kay GM Monreal, walang dapat na ikabahala ang mga pasahero dahil ito ay isolated case lamang at may mga ginagawang hakbang ang airport hinggil sa mga kawani nitong mga itinuturing na bad eggs sa paliparan.

Mababatid na si Yuya Sakata, 25 yrs old ay nagreklamo nang dumaan sa gate 2 ng NAIA terminal 3 arrival area at nawala ang 1,700 Australian dollars sa loob ng kanyang wallet. Nang komprontahin ng mga imbestigador, narecover sa dalawang OTS screeners ang ilang piraso ng Australian dollars.

Inaanyayahan ng airport ang lahat na mga pasahero na magreklamo agad kapag nakaranas ng kahalintulad na kaso. | via Ariel Fernandez