24/7 vaccine rollout, panawagan ni Deputy Speaker Romero

Imingungkahi ni Deputy Speaker at 1PACMAN Partylist Representative Mikee Romero, na gawing 24/7 ang operasyon ng vaccination centers.

Sa paraan aniyang ito, mas marami ang mababakunahan at mas mabilis na makakamit ng bansa ang target na herd immunity.

Nanawagan ito kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na ikonsidera ang pagkuha ng dagdag na vaccinators para sa 24-hour vaccine facilities, maging hanggang weekend.

Dagdag pa ni Romero, kung 24/7 ang operasyon ng vaccine centers, ay maiiwasan ang overcrowding lalo na kapag nag-umpisa na ring bakunahan ang iba pang  priority groups.

“So long as vaccines are already available,  the possibility of reaching herd immunity at the fastest possible period of time will be answered by 24/7 vaccine center operations. I believe longer hours of vaccine center operations would address the problem of overcrowding and help guarantee the observance of health and security protocols,” paliwanag ni Romero.