23 proyektong pang imprastraktura ng administrasyon Duterte, aprubado na!

Aprubado na ang 23 proyektong pang imprastraktura ng administrasyon Duterte.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, kasama ito sa 75 ‘high-impact’ at ‘big tickets project’ sa ilalim ng ‘Build, Build, Build program.

Umaasa naman si Dominguez na maaaprubahan pa ang ibang proyekto bago matapos ang taong ito.

Sa ilalim ng “Build, Build, Build” plano ng gobyerno na lumikha ng 75 proyekto kung saan target na matapos ang kalahati nito sa termino ni Pangulong Duterte.

Walong trilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa mga sinasabing ‘game-changing projects.’ | via Keith dela Cruz