2019 Performance-Based Bonus ng mga guro at school personnel sa Region 4A, matatanggap na ngayong buwan

Inaasahang matatanggap na ngayong buwan ng Hunyo ng mga teaching and non-
teaching school based personnel sa Region 4-A ang kanilang 2019 Performance-Based Bonus.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Region 4A Regional Director Francis Cesar Bringas, nag-issue na ng Special Allotment Release Order(SARO) ang Department of Budget and Management (DBM) na nagkakahalaga ng ₱1.3-billion para sa 2019 PBB ng Elementary at Secondary Personnel sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon).

Sisikapin naman ng Regional Finance Division na pabilisin ang proseso ang pag-release ng PBB bonus sa lalong madaling panahon.

Kung kakayanin ay target nilang ipagkaloob ito sa June 14 hanggang June 30.

Base sa datos, abot sa 108,300 na mga permanent employed school-based personnel sa limang lalawigan at 16 na siyudad sa CALABARZON ang aasahang makakatanggap ng kanilang bonus.