2019 deficit status ng bansa, iniulat kay Pangulong Duterte na baka maibalik sa 2022 o hanggang 2023

Hindi mamamalagi ang kasalukuyang debt level ng bansa na sa 2021 ay baka umabot pa ng 3.1 trilyong piso.

Ito ang tiniyak kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Finance Chief Carlos Dominguez na sinigurong pagdating ng 2022 o 2023 ay baka maibalik na ang debt status kagaya nuong 2019.

Sa ginawang pag-uulat ni Dominguez sa Chief Executive, sinabi nitong sa sandaling magbukas na ang ekonomiya ay makakabuwelo na din ang bansa nang sa gayon ay may pumasok ng kita o revenue sa gobyerno.

Kaalinsabay nito ayon kay Dominguez ay ang pagbabawas na ng gastusin para sa COVID-19 response at ito’y sa sandaling nagupo na natin ang virus.

At bagamat masasabing hindi naman mapalad ang bansa na madaling makautang, ito ay dahil na din sa magandang credit rating status ng Pilipinas habang may 100 mga bansa ang nai-downgrade ang kanilang credit rating.