2,000 indibidwal mula sa A4 category, binakunahan sa Pasay City ngayong araw

Nasa 2,000 indibidwal na kasama sa A4 priority group ang binakunahan sa Lungsod ng Pasay, ngayong araw.

Ginanap ang inoculation ng essential at economic frontliners sa Giga Vaccination Hub sa SM Mall of Asia.

Ayon sa Pasay Public Information Office, kung ang babakunahan ay hindi residente pero nagtatrabaho sa lungsod, kailangan lamang dalhin ang company ID na nagsasaad ng pangalan at lokasyon ng kumpanya.

Para sa maliliit na negosyo, kung walang certificate of employment ay maaari nang ipresinta ang business permit.

Samantala, ang mga nagtatrabaho sa labas ng Pasay ngunit residente ng lungsod, ay dapat magdala ng ID na may address pati na ang company ID.