20% ng inmates sa NBP, namamatay kada taon

Isiniwalat ng director ng New Bilibid Prison (NBP) hospital na nasa dalawampung porsiyento ng mga preso sa bilibid o halos 5,200 inmates ang namamatay kada taon sa loob ng dahil sa¬† iba’t ibang dahilan.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw, sinabi ni Ssupt. Ernesto Tamayo na ganito karami ang namamatay na inmate dahil sa sobrang congestion o sikip na sa loob.

Aniya, hindi na kayang i-contain o mapigilan ang paglaganap ng sakit gaya ng pulmonary tuberculosis.

Bukod sa hawaan ng sakit, isa rin sa mga rason ng pagkamatay ng mga inmate ay ang kaguluhan at karahasan sa loob.

Samantalang sinabi naman ng NBP inmate na si Godfrey Gamboa na isa rin sa mga dahilan ng pagkasawi ng mga preso sa loob ng bilibid ay ang food poisoning.

Aniya, may mga paglakataong panis o botchang karne ang inihahain sa kanila.

Tugon naman ni Tamayo, isolated cases lamang ang mga ito.