2 taga Davao region, bagong appointees ni Pangulong Duterte

DAVAO CITY – Ikinatuwa ni Davao City Prosecutor Shahruddin Roberto O. Sencio Jr. ang kanyang promosyon matapos na isa ito sa mga nakatanggap ng appointment papers na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na si Sencio ay na-promote bilang Deputy City Prosecutor kung saan siya ang papalit kay Prosecutor Victor C. Sepulveda na nakatakda nang magretiro sa serbisyo.

Kabilang si Sencio sa tatlumpu’t walong iba pa na prosecutors at assistant prosecutors na nakatanggap rin ng appointment papers.

Samantala, isa pa sa mga naitalaga sa Region II ay si Marte Melchor S. Velasco na uupo bilang Provincial Prosecutor IV sa Davao Occidental. | ulat ni Sheila Lisondra