2 drug dens, nadiskubre ng PDEA sa Maynila, 14 katao inaresto

Sa bisa ng dalawang Search warrant, sinalakay ng anti-narcotic operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office -NCR Manila District Office at Manila Police District ang dalawang drug dens sa Sampaloc, Manila.

Ayon kay Atty. George Paul Alcovindas, Officer-In-Charge ng PDEA RO-NCR , 14 na drug personalities ang naaresto sa magkatabing drug dens at pagkakakumpiska ng kabuuang 25 gramo ng shabu na may street value na abot sa P306,000 at iba pang paraphernalia.

Sa unang search warrant, nahuli sina Jun Caranera, Christopher Sicat, Fernando Manuel, Christian Sicat, Jeff Rejir, Kenneth Caranera, at Mary Jane .

Sa bisa naman ng ikalawang Search warrant, naaresto sina Annalea Pateo, Eduardo Rosete Gontilla, Ronnie Clemente Roxas, Alexander Alvario Oleja, Ricky Morales Dicdican, Nikko Rosario Tadefa at Julio Perez Menes.

Ang magkatabing drug dens ay matatagpuan sa Gen. Geronimo Street, Barangay 432, Sampaloc, Manila.

Nakatakda nang sampahan ng patong-patong na kaso ang mga nahuling drug personalities ng dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.