2 Cabinet secretaries, iniimbestigahan ng PACC dahil sa sumbong ng korapsiyon

Dalawang miyembro ng gabinete ang sumasailalim sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa isyu ng korapsiyon.

Ibinunyag ni PACC Commissioner Greco Belgica na nagsimula silang imbestigahan ang dalawang cabinet secretaries, matapos na may magsampa ng complaint laban sa kanila nuong Pebrero ngayong taon.

Tumutugon naman, ani Belgica, ang dalawang cabinet members sa kanilang mga tanong sa gitna ng nakakasang pagsisiyasat, na malapit na umanong matapos.

Sa sandaling matapos ang corruption probe sa dalawang cabinet secretary, inihayag ni Belgica na isusumite nila ang report kay Pangulong Duterte.

At kung sakaling may makitang mabigat na reklamo, isusumite ang report mula sa Office of the President patungo sa Office of the Ombudsman, para sa kaukulang pagsasampa naman ng kaso laban sa dalawang miyembro ng gabinete na ayaw munang pangalanan.