2 BIFF patay sa 2 araw na focused military operations Sa Maguindanao

Dalawang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay at dalawa ang sugatan sa dalawang araw na focused military operations sa Barangay Pamalian at Pagatin sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Ayon kay Joint Task Force Central Commander Major General Arnel B. Dela Vega, ito ang resulta ng serye ng mga engkwentrong naganap sa pagitan ng 2nd Mechanized Infantry Battalion at BIFF simula noong Lunes hanggang kahapon sa lugar.

Maliban dito ay 20 ibat-ibang matataas na kalibre ng baril, mga parte ng baril, magazine, at live ammunitions ang narecover ng militar, at nawasak ang dalawang gun manufacturing
machines ng kalaban.

Sugatan naman sa naturang operasyon ang dalawang sundalo.

Tiniyak ni Dela Vega, na magtutuloy-tuloy ang pagtugis ng militar sa mga bandidong grupo na itinuturing na banta sa peace at security sa komunidad. | via Leo Sarne