2 barko ng Japan Maritime Self Defense Force, nasa bansa

Dumating nitong Sabado sa Pier 15 ng Manila South Harbor ang dalawang minesweepers ng Japan Maritime Self Defense Force para sa tatlong araw na pagbisita.

Ang Japanese Ship (JS) Bungo (MST-464), isang Uraga-class minesweeper tender, at JS Takashima (MSC) isang Hirashima-class coastal minesweeper, ay kabilang sa minesweeper Division III ng JMSDF, na pinamumunuan ni Captain Seiji Ikubo.

Photos courtesy of Philippine Navy

Ang Japanese delegation ay pinagkalooban ng welcome ceremony ng mga opisyal ng Philippine Navy, sa pangunguna ni Captain Mederico R. Celso, deputy commander ng Naval Combat Engineering Brigade, pagdating nila sa Maynila.

Photos courtesy of Philippine Navy

Ang pagbisita ay magiging pagkakataon para makapag-“interact” ang Filipino at Japanese sailors, na magsisilbing learning experience na magpapatibay ng tiwala sa isa’t isa.

Ito ang pang-anim na pagbisita sa bansa ng mga barko ng JMSDF sa taong ito, na patunay ng matatag na “maritime cooperation” ng Pilipinas at Japan sa pagtataguyod ng regional peace and stability.