2 Abu Sayyaf patay, 2 pa nahuli ng Philippine Marines sa Sulu 

Napatay ng tropa ng militar ang dalawang Abu Sayyaf, at nahuli ang dalawa pang sugatan nilang kasamahan sa enkwentrong naganap kahapon ng alas-otso ng umaga sa Barangay Lihbog Kabaw, Panglima Estino, Sulu.

Iniulat ni Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng combat patrol operations ang elemento ng 61st, 62nd at 64th marine companies nang makasagupa ang humigit kumulang 100 Abu Sayyaf na nasa ilalim ng pamumuno nina Radullan Sahiron, Idang Susukan at Almujer Yadah.

Wala namang iniulat na casualties sa panig ng militar.

Narecover ng militar sa pinangyarihan ng insidente ang isang M653 at isang M14 rifle na naiwan ng mga Abu Sayyaf.

Nahuli din ng militar sa site ang dalawang sugantang Abu Sayyaf na iniwan ng kanilang mga kasamahan, at agad na dinala sa kuta ng Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para ipagamot.  | ulat ni Leo Sarne