2.5 billion pesos na halaga ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga, winasak ng PDEA

Aabot sa 2.5 billion pesos na halaga ng iba’t ibang ilegal na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa 1,012.4 kilograms na iba’t ibang ilegal na droga ang ipinag-utos ng korte na sirain matapos na magamit na ebidensya sa mga drug cases sa Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Manila, Marikina, Navotas, Pasig, at Valenzuela.

Kabilang sa mga sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition machine ay methamphetamine hydrochloride o shabu, marijuana, ephedrine, cocaine, toluene, chloromethamphetamine hydrochloride, at mga expired na medicines.

Ito na ang ika-apat na pagsira ng PDEA sa nasasamsam na mga ilegal na droga. Unang sinunog ang nasa 9 bilyong ilegal na droga, noong nakalipas na anim na buwan. | via Rey Ferrer