180 milyong vaccine doses, kayang makuha ng Pilipinas bago matapos ang taon -vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Best case scenario na makakuha ng 180 million vaccine ang bansa bago matapos ang 2021.

Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bukod kasi sa apat nang kumpanya naka-lock in na ang kontarata sa pamahalaan ay may dalawa pang nakaabang na manufacturer.

Ito ay ang Pfizer at Johnson and Johnson.

Idinagdag din ng vaccine czar na naka-lock in na din ang mga order ng LGU at ng mga private sector na AstraZeneca.

Sakali man ayon sa vaccine czar na magkaroon ng pagbaba dahil na rin sa global demand ay maaaring nasa 140 milyong bakuna ang makuha ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2021.