25 parking attendants, sinibak ng MTPB

Sinibak ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang 25 na parking attendants dahil sa hindi tamang paniningil ng parking fee sa mga motorista.

Ayon sa MTPB, sinibak ang mga nasabing parking attendant matapos makatanggap ng reklamo sa mga motorista ng maling paniningil ng parking fees.

Hindi rin daw nagsusuot ng tamang uniporme at hindi nagsusuot ng mga ID ang mga ito.

Maliban dito ay nakitaan rin ng attitude problems ang mga sinibak na parking attendant habang naka-duty.

Paglilinaw ng MTPB, kailangan lang bayaran ang nakatalagang parking fees depende sa sasakyan.

Para sa unang tatlong oras P20 at P15 sa mga susunod na oras ang singil para sa mga light vehicles.

Habang P30 naman para sa mga medium vehicles at P20 sa mga susunod na oras.

Para naman sa heavy vehicles ay P60 ang singil, gaya ng bus at 10 wheeler truck sa unang tatlong oras at P40 sa mga susunod na oras.

Nagbabala rin ang MTPB sa mga motorista na huwag tanggapin ang parking ticket kung hindi ililista ng parking attendant kung magkano ang singil sa parking.