166 na pulis na pinarusahan ng NAPOLCOM, patunay na gumagana ang internal cleansing ng PNP — Eleazar

Nagpahayag ng suporta si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa mga resolusyon ng National Police Police Commission (NAPOLCOM) na nagpataw ng parusa sa 166 na pulis mula noong Marso hanggang sa kasalukuyan.

Sa bilang na ito, 75 na mga pulis ang natanggal sa serbisyo, 48 ang pinatawan ng demotion, at 43 iba pa ang sinuspinde.

Ayon kay Eleazar, patunay ito na gumagana ang Internal Cleansing Program ng PNP.

Giit ng PNP chief na hindi kukunsintihin ng PNP ang mga maling gawain ng kanilang mga miyembro.

Siniguro naman ni Eleazar na dumaan sa mabusising imbestigasyon ang mga kasong administratibong inihain laban sa mga Police scalawags at nasunod din ang due process.

Dagdag ng PNP chief, makakaasa ang publiko na magpapatuloy ang pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling pulis at pagsipa sa serbisyo sa mga bugok sa kanilang hanay bilang bahagi ng kanyang commitment na linisin ang PNP.