150 pamilya na nasunugan sa Project 6 QC, inayudahan ni Sen. Bong Go

Personal na kinalinga ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang 150 pamilya na nasunugan, sa Brgy. Project 6 Quezon City.

Bitbit ang relief goods tulad ng grocery, gamot, vitamins at financial assistance, isa-isang kinausap ng senator ang mga biktima ng sunog.

Kanyang tiniyak sa mga biktima ng sunog, na mayroong programa ang national government para sa pabahay, livelihood, at edukasyon ng mga batang naapektuhan.

Samantala, hinikayat ng senator ang mga nasunugan na magpabakuna na rin dahil marami ng bakuna ang dumarating sa bansa.

Wala umanong mas mabisang paraan na labanan ang virus, kung hindi ang magpabakuna at ito ang dapat samantalahin ng publiko.

Kanya namang hinikayat ang publiko, na huwag ng husgahan ang isang medical worker na nag viral matapos iturok ang bakuna sa isang recipient, na hindi naman totoong naiturok ang doses ng gamot.

Naintindihan daw ng senator na sobrang pagod na rin ang mga health worker, kung kayat dapat unawain na lamang ang mga ito at tulungan sila sa pagbabakuna.