15 Abu Sayyaf, nakasagupa ng Phil. Army sa Basilan

Nakasagupa ng mga tropa ng 68th Infantry Battalion ng Philippine Army ang 15 Abu Sayyaf members sa Maluso, Basilan, kaninang ala-1:50 ng madaling araw.

Ayon kay Western Mindanao Command (WesMinCom) Spokesperson Major Arvin Encinas, nagsasagawa ng clearing operations sa Brgy. Calang Canas nang maganap ang engkwentro.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok bago nagsitakas ang mga terorista.

Wala namang naitalang nasawi sa panig ng militar sa bakbakan, habang inaalam pa kung may casualties sa panig ng Abu Sayyaf.

Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng mga tropa ang mga kalaban.