14th month pay, hindi sapat; umento sa sahod, kailangan pa rin – ACT

Aminado ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na makakatulong nang bahagya ang ipinagkaloob na 14th month pay at P5,000 cash gift sa mga government employee ngayong Christmas season.

Pero ayon kay ACT National Chairperson Joselyn Martinez, nais pa rin nilang itaas ang sahod ng mga guro.

Lalo pa at nananatiling nasa 6.7% ang inflation rate sa bansa na pinakamataas sa loob ng siyam na taon.

Malaking bahagi ng mga bonus na kanilang matatanggap ay mapupunta lamang sa bayarin sa utang.

Nagbanta ang mga guro na patuloy nilang isusulong sa pamahalaan ang salary increase, katunayan ikinakasa na nila ang isang sit-down strike sa Nobyembre 29.

Bukod sa dagdag-sahod, hinihiling din nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na itaas din ang kanilang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) sa P5,000 mula sa P2,000. | ulat ni Rey Ferrer