125 dating rebelde, nagbalik-loob sa pamahalaan  

Tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at Northern Luzon Commander Lt. General Emmanuel Salamat ang 125 dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Ang mga dating rebelde na kinabibilangan ng 18 amasona ay nanumpa ng path of allegiance kahapon sa isang Peace Summit na isinagawa sa Northern Luzon Command Headquarters sa Camp Aquino, Tarlac kahapon.

Ang mga nagsisukong dating New People’s Army (NPA) ay nakatanggap ng cash at livelihood assistance sa pamamagitan ng Enhnaced Comprehensive Localized Integration Program (E-CLIP).

Bukod sa tulong pinansyal, tulong sa pagbabagong buhay rin ang hatid ng pinagsanib pwersa na mga ahensya ng pamahalaan na nagkaloob rin ng Housing and Conditional Transition Grant, access to government service, loan and market access, medical assistance, ALS, college tuition and stipend, at legal assistance.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Lorenzana ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na nagtutulungan para isulong ang kapayapaan at kinilala ang determinasyon at tibay ng loob ng mga rebeldeng nais nang mamuhay ng matahimik.  | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy: NOLCOM