12 suspek, nutralisado sa unang 12-oras ng simultaneous anti-criminality law enforcement operation ng PNP-Bulacan

Labindalawang suspek ang na-nutralisa ng Philippine National Police-Bulacan sa unang 12-oras ng kanilang ikinasang simultaneous anti-criminality law enforcement operation (SACLEO) simula hatinggabi ng Augosto 1.

Ayon kay Acting Bulacan PNP Provincial Director Senior Supt. Chito Bersaluna, anim sa mga namatay ay mga drug pusher, apat ang robbers at dalawa ang magnanakaw ng motorsiklo.

Kinilala ng opisyal ang mga napatay na drug suspects na sina Eugenio Tan, Alden Gerobeise, alyas Ogag, alyas Keng-keng, Mark Chester Manalang alias Amang at Dexter Dispo y Alberto alyas Boyet, pawang mga nanlaban sa mga operatiba sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa mga Bayan ng Sta Maria, Malolos, Pulilan, Obando, Baliwag, at Hagonoy.

Tatlo sa mga magnanakaw ay napatay sa pursuit operation matapos mangholdap ng isang convenience store sa Bayan ng San Rafael habang ang isa ay napatay matapos manloob ng bahay sa Barangay Bulihan in Malolos at paputukan ang mga nagrespondeng pulis.

Inaalam pa ng mga autoridad ang pagkakakilanlan ng apat habang ang dalawang napatay na magnanakaw ng motorsiklo ay kinilala lang sa alyas Bogart at alyas Albina.

Bukod sa mga ito, 24 suspek sa droga kabilang ang dalawang menor de edad ang naaresto sa mga Bayan ng Plaridel, Balagtas, Pandi, San Ildefonso, Calumpit, Bocaue at San Jose Del Monte kung saan narekober ng mga pulis ang 53 plastic sachet ng suspected shabu at limang plastic sachet ng marijuana.  | ulat ni Leo Sarne