10,000 sundalo, ide-deploy ng AFP para magbantay sa Bangsamoro referendum

10,000 sundalo ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para tiyakin ang seguridad ng Bangsamoro Organic Law Referendum.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. Gen Benjamin Madrigal, bukod sa pwersang ito, ay mayroon pang mga tinaguriang “follow-up” forces ang AFP na naka-standby kung sakaling kakailanganin.

Sa Enero 21 ang referendum sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at mga lungsod ng Isabela, Basilan at Cotabato.

Sa Pebrero 6 naman, sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at North Cotabato.

Boboto ang mga mamamayan kung nais nilang sumama sa Bangsamoro Autonomous Region na siyang papalit sa ARMM.  | ulat ni Leo Sarne