Sampu pang kasapi ng Communist-NPA terrorist group ang sumuko sa Philippine Air Force sa Davao del Norte.
Ang pagsuko ay pinangunahan ni alyas ‘Lawaan’ o kilala din sa alyas ‘Kapitan’, kabilang ang isang child warrior na si alyas ‘Agnot’. Kasama sa kanilang pagsuko ang mga dalang armas at mga bala.
Ayon sa ulat, pormal na sumuko sa Talaingod, Davao del Norte ang mga NPA sa mga tauhan ng Field Station – Eastern Mindanao, Special Mission Group ng 300th Air Intelligence and Surveillance Wing ng Philippine Air Force.
Kasalukuyan pa silang sumasailalim sa debriefing at documentation ng militar. Ang mga sumukong CNT ay sasailalim sa proseso para maka-avail ng mga benepisyo sa ilalim ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.