10 business agreement, nalagdaan sa ilang araw na pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia

Umabot sa may 10 business agreement ang nalagdaan para sa ilang araw na official visit sa Russia.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, isa sa 10  pinirmahang kasunduan tungkol sa pagnenegosyo ay memorandum agreement habang dalawa ay distributorship dgreement.

Lima ay Memoranda of Understanding (MOU)  habang dalawa ay Memoranda of Intent na pawang isinumite na kay Pangulong Duterte.

Isang MOU rin ang nilagdaan sa pagitan ng Century Pacific Agricultural Ventures Inc. at Panasia Impex Company para sa pagsusuplay ng coconut milk sa Russia.

Idinagdag din ni Lopez na patuloy nilang itinataguyod ang pagpo-promote sa mga negosyong may kinalaman sa pharmaceuticals, chemicals, aerospace and aviation, energy, oil and gas, agri and industrial machineries.